News

CMO BATTALION SUMUPORTA SA 1st CIVIL RELATIONS GROUP NG CRSAFP SA TARLAC

Agnes Lopez Reano



         Pinatunayan ng liderato ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL na walang hangganan o boundary ang paglilingkod ng kanyang pinamumunuang unit at ng HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS nang pumayag itong maging speaker sa ginawang serye ng info drive ng 1st CRG ang isang miembro ng Speaker’s Bureau ng CMO BN.


            Ginanap ang info drive/symposium ng 1st CRG sa pamumuno ni MAJ ROSENDO D ARMAS ng CRS AFP sa pamumuno ni BGEN GAUDENCIO PANGILINAN sa PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY nitong nakalipas na ika 31 ng Enero na kung saan dinaluhan ito ng humigit kumulang sa dalawang daang (200) estudyante ng nasabing paaralan na mula sa first at second year college.  Naisakatuparan ang info drive dahil sa ginawang pakikipagtulungan at kooperasyon ni MS. CAYMO ang School Directress, gayundin ng ilang professor tulad ni PROF ROLANDO DE JESUS.


            Naging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita si BGEN GILBERT ABANTO (PAF), Deputy Commander ng NORHTEN LUZON COMMAND (NOLCOM).  Binigyang diin ni BGen Abanto na mananatiling nakatutok ang buong puersa ng NOLCOM sa pangangalaga sa kapakanan hindi lamang ng mga kabataang estudyante kundi maging ng mga residente ng buong Rehiyon.


            Ayon naman sa ilang estudyanteng nakausap partikular na ang kinilalang si “Amy” hindi maitatatwang nangyayari ang pagrerekluta sa mga estudyante at ang ginagawang pagpasok o infiltration ng mga komunistang kilusan sa mga paaralan at student organizations.  Sa ginawa umanong pagpapaliwanag ng 1st CRG sa pamumuno ni MAJ ARMAS nabigyan sila ng sapat na instrumento o sandata para maging mas lalong mapag-obserba sa mga grupong humihimok sa kanila upang sa gayun anya ay maiwasan nila ang mga grupong walang ibang layunin kundi ang sila ay galitin, buuhin at pakilusin at kalaunan ay paakayatin sa bundok.  Nangako si “Amy” na magiging bahagi siya ng pagsisikap ng NOLCOM upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang lalawigan, una, sa pagiging isang responsableng estudyante na nakatutok sa pag-aaral at ikalawa, sa pagpapasa ng mga kaalamang kanyang natutuhan.

         Sinabi naman ni PROF DE JESUS na malaking bagay para sa kanilang paaralan ang ginawang info drive ng 1st CRG dahil na rin umano sa pagiging agresibo ng mga kabataan malaki anya ang posibilidad na mahimok ang mga ito na sumapi sa isang prenteng organisasyon na walang ibang layunin kundi sirain ang kanilang kinabukasan.  Nagpasalamat si Prof De Jesus sa pamunuan ng NOLCOM sa pangunguna ni LTGEN ISAGANI CACHUELA dahil sa ipinapakita umano ng kasundaluhan ang sensiridad upang maproteksiyunan ang mga kabataan.


            Naging interesado naman ang unibersidad na magkaroon ng ROTC sa kanilang paaralan dahil sa ginawang paliwanag ni COL DE LA CRUZ ng 3rd RCDG sa kagandahang maidudulot ng ROTC hindi lamang sa paaralan, kabataan kundi maging sa mga magulang ng mga bata at higit sa lahat sa komunidad na kanilang ginagalawan dahil sa disiplinang kanilang matutuhan sa mga pagsasanay dito. 


            Hiniling ng pamunuan ng unibersidad na muling magkaroon ng serye ng pakikipag-negosasyon ang 3rd RCDG upang tuluyan nang magkaroon ng ROTC sa Philippine Women’s University sa Tarlac.