
News Archives |
|||
| January 13, 2008 | ||
“REBELDENG NAGING KAKAMPI”
Ang 4-3-3 Squad sa pamumuno ni 2LT ROBINSON A BANOT na nasa ilalim ng pamumuno ni MAJ WILLIAM G TABAS ng 3rd Community Organizing and Development Company, Civil Military Operations Battalion, CMOG, PA, ay naatasan para magsagawa ng CMO operations sa Barangay Batasan Hills, Quezon City. Layunin din ng mga naturang sundalo ang pagpapatupad sa programa ng gobyerno para sa pagbabalik loob ng mga rebeldeng nagnanais na sumuko sa ating pamahalaan at tuluyang talikuran ang grupong CPP-NPA-NDF. Dito nakilala si Ka Ricky o Joseph M Oraya sa tunay na pangalan na boluntaryong nagbalik loob sa gobyerno.
Si Ka Ricky ay dating lider ng Sandatahang Yunit Propaganda o (SYP) sa kabundukan ng Northern Samar kung saan siya ay isinilang at naging miyembro ng CCP/NPA noong taong 1984. Dumaan siya sa mga pagsasanay at katuruang Komunista at namuhay sa kabundukan ng anim na taon na walang ginawa kundi ang maglakad, tumakbo, at mag tago.
Noong taong 1990 siya ay kusang sumuko sa pamamagitan ng programa pang amnestiya ng pamahalaan. Nagbalik loob siya sa tropa ng 19th Infantry Battalion. Nagpasya si Ka Ricky na makipagtulungan sa AFP upang mailigtas ang mga taong posible pang maging biktima ng CPP-NPA-NDF at halos isang taon ding namalagi at naglingkod sa nasabing yunit sa pamamagitan ng pagsasagawa ng SOT operation sa mga lugar na dating ginagalawan noong siya ay aktibo pa sa kilusan.
Lumipas ang maraming taon, si Ka Ricky ay namuhay ng tahimik kasama ang kanyang pamilya dito sa kamaynilaan. Dito nakilala ng mga tropa sa Freedom Park sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa kanya ni Pfc Edwin Valdez na dating nakatalaga sa 19IB.
Noong Enero 12 at 13 ng taong kasalukuyan, nagsagawa ang 4-3-3 Squad ng Awareness and Information Drive Program sa may Brgy Batasan Hills, QC na dinaluhan ng may halos isandaan at limampung kabataan sa pamumuno ni SK Chairwoman Ms Hasel Ann P Lim at dito naging tagapagsalita si Ka Ricky sa pamamagitan ng pagbibigay testimonya tungkol sa dati niyang buhay kasama ng dating grupo kaniyang kinabibilangan na walang kinikilalang Diyos.
Natuto at naliwanagan ang mga kabataan sa kanyang testimonya at sila ay nangako na makikipagtulungan sa gobyerno. Nagpasalamat ang mga kabataan sa mga sundalong nakatalaga sa kanilang Brgy at kay Ka Ricky na nagbigay aral sa kanila upang huwag marekrut ng CPP/NPA/NDF at maligaw ng landas. Iyan si Ka Ricky isang dating kaaway na naging kakampi. “MABUHAY KA KA RICKY!!!”…
|